[Lyrics for Cooky Chua – Jam]
I: Kevin Roy
Hirap umawit mag-isa
Ang kasabay lang ang lumang gitara
Parang walang saysay ang kilos ko sa mundo
II: Cookie Chua
Pero ang kinabukasan mo
Tungkulin ba ng ibang tao
Maghanap ng entablado mo’t kalaro
III: Kevin Roy and Cookie Chua
Wag pagmasdan ang pangyayari
Gumana’t gumalaw
Lamang sa ihip ng damdamin
Sabay sabay ng sumigaw
Kilos kabataan oras natin to
Makialam, makijam, makilahok
Kilos kabataan buhay natin to
Ang mundong dinatnan tayo magpatakbo
Makijam ka pare ko
IV: Kevin Roy
Gusto ko man maki-isa
Sa paglutas nangg mga problema
Anong magagawa ng isang katulad ko
V: Cookie Chua
Pero ang kinabukasan mo
Tungkulin ba ng ilang tao
Makibahagi sa bagahe ng mundo
VI: Kevin Roy and Cookie Chua
Wag pagmasdan ang pangyayari
Gumana’t gumalaw
Lamang sa ihip ng damdamin
Sabay sabay ng sumigaw
Kevin Roy
Matuto kang makisaya
Ang mundo may magka-iba
Cookie Chua
Sabay sabay kung mag-ingay
Makilahok, magpakilala