Skip to content
Home » Explore Song Lyrics » Julia Abueva – Bata Pa Ako Lyrics

Julia Abueva – Bata Pa Ako Lyrics

  • by
Read Time:34 Second

Di ka ba nagtataka
Akoy nasa lansangan
At ikaw ay nasa sasakyan
Papuntang paaralan

Makatapos kaya ako
Kahit mga libroy pinaglumaan mo
Pangarap lang ba
Pagkat mahirap lang ako

Pwede bang sumali sa inyong laro
Kahit kunwa-kunwaring nag-aaral din ako

Dala ba ng tadhana na tayoy magkaiba
Sana balang araw maging tulad din kita
Paano bang sumulat, magbasa ng gaya mo

Bata alam mo ba, na bata rin ako?

Musmos pa rin ako,
Di lang napapansin
Magulang at kapatid,
Nakaasa sa akin

Bata sino ba
Ang nagtuturot gumagabay sayo
May pag-asa pa bang
Maturuan din nya ako

Sa lahat ng inaasam
Isa ang pinakagusto
Na sanay pagtanda natin
Wala ng batang tulad ko