tulak ng bibig, kabig ng dibdib
tulak ng bibig, kabig ng dibdib
di ko na alam ang gagawin ko sa iyo.
paikot-ikot lang, nalilito, oh bat ganito?
paggising sa umaga, ikaw ang nasa isip…
tulog sa gabi, laman ng panaginip…
mahal ba kita? o ano..? ewan ko!
hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo.
simula nang makilala di maipinta,
ngiti sa mata!
magdamag ang kwentuhan, kulitan, tawanan…
di ko maintindihan, bakit ngayon lang,
kung kelan ang puso ko ay maselan?
hindi mo lang alam,
takot lang akong masaktan.
iniingatan lang aking puso.
kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo,
di na sana tayo nagkakaganito.
pasensya ka na kung hanggang dito muna tayo.
di ko na alam ang gagawin ko sa iyo.
paikot-ikot lang, nalilito, oh bat ganito?
urong-sulong yan ang paborito.
lilitaw, lulubog, tanong mo kahit sino!
pakisabi na lang,
ano ba talagang gusto mong gawin ko?
hindi mo lang alam,
takot lang akong masaktan.
iniingatan lang aking puso.
kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo,
di na sana tayo nagkakaganito.
pasensya ka na kung hanggang dito muna tayo.
pakiusap lang,
wag mo na akong tignan nang ganyan…
nakakatunaw ang iyong tingin!
hinay-hinay ka lang,
mahina ang kalaban.
baka di na maiwasang
mahulog nang tuluyan!
hindi mo lang alam,
takot lang akong masaktan.
iniingatan lang aking puso.
kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo,
di na sana tayo nagkakagulo-gulo!
pasensya ka na kung hanggang dito muna tayo.
hanggang dito na lang,
hanggang dito na lang!
tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
tulak ng bibig, kabig ng dibdib.