Skip to content
Home » Explore Song Lyrics » Siakol – Aso Lyrics

Siakol – Aso Lyrics

  • by
Read Time:58 Second

Akoy may alaga asong mataba
Buntot ay mahaba, makinis ang mukha
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Kaya kaming dalawa ay laging magkasama

Kung ako ay aalis, siyay sumusunod
Sa aking pagbabalik pamawi ng pagod
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Hindi lang sya alaga, kaibigan ko pa

Kahit hayop ay dapat ring mahalin
Lalot maamo at masunurin
Silay alagaan at wag pababayaan
Tao at hayop may unawaan

Sa aking pag iisa aso ko ang kasama
Sa aking pagtulog, katabi ko sa kama
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Pag lalambing niya aking damang dama

Pag siyay binabato, aking pinagtatanggol

Pag akoy inaaway, kanyang tinatahol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Kaibigan tunay sa hirap at ginhawa

Kahit hayop at dapat ding mahalin
Lalot maamo at masunurin
Ngunit minsan ay di mo rin akalain
Ang pangyayari ay nagbabago rin

Kahol sya ng kahol, ang aso koy nauulol
Laking gulat ko pati ako ay hinabol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Kaya ganon nalang ang aking pagtataka

Akoy may alaga asong mataba
Buntot ay mahaba, makinis ang mukha
Kinagat niya ako, kinagat ko rin sya
Ang kawawa kong alaga, pulutan ko na